|
I Love iT!!!
-
PAANO KUNG ANG TAHANAN NYO AY GINAWANG REFRIGERATOR NG KAPIT-BAHAY NYO??
Nakakabadtrip talaga ang ganon lalu na’t kung naeekspiryens nyo. Kasi ang pamilya namin ay biktima ng “parasite” na kapit-bahay. Paking Bulfrog!! Well, ganto kasi yon, nagsimula ang lahat nung lumipat cla at naging kapitbahay. Sa una, nanghiram ng item no. 1, syempre, di naman kami madamot, pinahiram sila. Nagsasauli naman sila ng maayos.. Tapos, nanghiram ulit ng item no 2. e di pinahiram, sinauli naman, tapos hanggang sa umabot sa items 1 to 30! Siyet! nakahalata na kami..Ang nakakayamot pa nito, abot-kaya naman at halos hindi importante ang mga hinihiram (sapatos, rugby, charger, pang straight ng buhok, sungka, monopoly board, dvds, cds, tabo, bote,plato, kama, kumot,)
Hindi masamang magpahiram.. at hindi rin masamang manghiram syempre, dahil lahat ng tao nag-gigive and take at nangangailangan. Pero kung take ka lang ng take eh mahiya ka naman sa ninuno mo, magising ka na sa katotohanang parasite ka at kailangan mo nang maramdaman na ang host mo eh katingkati na sa inaasta mo. Kasi we must always consider other’s feelings (nakalunok ng diksyonari). Maramdaman sana nila na may mga nanay ng tahanan ay nag-aatikha ng mga bagay para sa ikaayos ng pamilya nila sa paraang pinagpapaguran.
-
LOVE
Anu ba talaga un when it comes with your opposite sex??..
haha! parang bata lang ehh..
basta pag tumubok ang puso, yun na yun!! haha!!
-
siyet ba yan! pang-asar si kuya eh!! hahaha.. bakit ba? eh gusto nyang kumain ng KFC..
-
I miss them so much…
-
ako..
Ang saya kapag nasa high school.. parang lagi kang bumabakilk sa pagkabata gawa ng mga “kaibigan” mong malalakas ang topak..
Ang saya pag may napapawalk out kang teacher.. pero sa huli.. marerealize nyong “bad” yon, tapos, mag-sosorry ang mga estudyante, tapos babalik na sa normal— Teacher: class, makineg!!(kung di lang ito ang trabaho ko matagal ko na kayong nilayasan!). Pero hindi lahat ng teacher ay binabastos; meron din namang “Nirerespeto”.
Tapos ang saya pag-uwian na, hindi dahil uuwi na kayo sa inyong mga bahay-bahay at mamamahinga, pero dahil sa nakaligtas na kayo sa isang buong maghapon na pag-upo at pagsusulat na sanhi ng pagkapal ng kalyo sa gitnang daliri, isa na ring dahilan ay spongebob na, o kaya naman, magdodota sa computer shop, magpapa aircon sa mall habang binabalandra ang pag-inom ng slurpee, o magchichismisan sa isang bahay ng kaklase.
Kapag high school ka, doon mo malalaman kung ano talaga ang tunay mong ugali, pati kung paano ka makasalimuha sa ibang tao. Makakaranas ka rin na matawag na Pasaway o kaya naman ay mapabilang sa mga pasaway. Parang lahat nega kapag sinabing High School life, pero ang totoo, nagpapatunay lang ‘yan na ang kabataan ay may mga kapilyuhan…^.^
|
|
N A V I G A T E
archive
random
RSS
A B O U T
F O L L O W
C R E D I T S
Base Theme by: Sarah Mogin
Tutorials by:
iheartsamandmak
nitrocandy
kaththecrapout
animeloca012
Pimped by:
Frances Gadielle De Guzman
|